Thursday, March 15, 2012

Just a Song

Paglisan Lyrics
Repablikan

chorus: 
bakit pa kailangan na masaktan 
ang puso kong ito sa iyong paglisan 
hapdi ang syang naramdaman 
hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan 
dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam 

verse I: 

sa pagkawala ng relasyon na aking iningatan 
na ngayon ko lang naramdaman at aking naranasan 
ang umibig ng lubos at ibigay ko ang lahat 
tinatanong saking sarili kung hindi pa ba sapat? 
ang lahat ng ginawa ko para lamang sa iyo 
bakit kailangan mangyari pa ang mga ganito 
pilit na inaalala mga bagay na nangyari 
saking puso at sa isip kalungkutan ang naghari 
at naghiwalay tayo na di man lang nakapag usap 
hanggang sa huling sandali wala ng pangungusap 
na lumalabas sa labi mo na gusto kung malaman 
kung bakit nagkaganto at bakit mo ko iniwanan 
dahil ba sa sabi-sabi at mga bali-balita 
di mo na ko tinanong at tuluyan kang naniwala 
sinira mo ang tiwala at akoy tinalikuran 
bakit kailangan kung masaktan sa iyong paglisan 

[repeat chorus] 

verse II: 

lumipas nga ang panahon at mga sandaling wala ka 
di na ko umasang babalik ka pa pagkat wala na 
ngang pag asa kahit na akoy magsisi at lumuha 
di na mabilang ang tubig na ipinatak sa lupa 
gustuhin ko man na ibalik hindi na maari 
pagkat sa puso mo ay meron ng nag mamay-ari 
at alam ko na kayong dalawa ay nagmamahalan 
tiniis ko ang sakit at hindi na kitang pinigilan 
ilang beses kung niloko ang sarili kong ito 
na kaya kung mabuhay kahit na wala sa piling mo 
ngunit hindi pa rin sapat ang maging manhid na lang, 
upang itago ang nadarama't tuluyang maibsan 
nadama ko na may kulang pa sa aking pagtayo 
yun ay di ko maabot dahil sayong paglayo 
alam kung di mo na pakikinggan kahit na isigaw 
walang ibang kulang sa buhay ko mahal kung di ikaw 

chorus: 

bakit kailangan humantong.sa hiwalyan ng lahat 
ang nangyari sa relasyon natin hindi ko matangap 
hindi ako nagkamali at nag kulang sayo sinta 
ngunit anung isinukli iniwan mong nag-iisa 
bakit pa kailangan na masaktan 
ang puso kong ito sa iyong paglisan 
hapdi ang syang naramdaman 
hindi naba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan 
dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam 

verse III: 

naghiwalay tayo na kapwa'y may samaan ng loob 
at di man lang ako nakaangat sa aking pag lubog 
hanggang sa huling sandali di man lang nakapagpaalam 
katagang nais sabihin hindi man lang nabitawan 
na sana'y mag-iingat ka sa lahat ng sandali 
di na ko muling hahabol at magbabakasakali 
na maibalik ang dati at makapiling sa twina 
ang isang katulad mo pagkat wala na ngang pag-asa 
at hindi talaga tau ang itinakda ng diyos 
kaya ang pagsasama natin ay maagang nag tapos 
bakit kailangan ko pang masaktan sa iyong paglisan 
di ko lubos maisip bat ganito ang kapalaran 
bago magtapos ang awit ko sana'y malaman mo 
na wala na akong ibang inibig kung di ang katulad mo 
ngayong tapos na ang lahat pati ang awiting kung ito 
salamat pagkat naging bahagi ka ng buhay koh! 

No comments:

Post a Comment